|
o, kumusta ka na? Medyo matagal na panahon na rin tayong walang balita sa isa’t-isa a. oo nga e, pareho kase tayong busy ngayon. Haaay. Alam mo, namiss kita ng sobra. Oo nga e, di ako ganong nakaka-text lately. Kasi… uhmm.. medyo naja-jahe ko sayo. Ewan ko nga ba, parang pakiramdam ko naninimbang ulit ako pagdating sa pagku-kwento sayo ng mga bagay-bagay. Hahaha, oo, nakakatawa nga. Me hiya pala ko. Hehehe. Pasensya ka na ha? Alam mo namang me sayad talaga ko sa utak. Ano na ba ang bago sayo? Ah. Talaga? Me boypren ka na? Haha, sus matagal ko ng alam, ano ka ba. Isa nga yun sa reasons kung bakit dumistansya muna ko ng konti sayo. Wala lang. Kasi… ano e.. uhm.. wala. Para you guys can spend some quality time together. E, parang di ko lang kasi ganong trip na maging third wheel na naman. Hehe. Pero masaya talaga ko na ikaw e lubhang naliligayahan sa piling nya. Namiss kita. Namiss ko yung mga gabing nagte-text tayong dalawa tapos pareho tayong umiiyak. Kasi.. na-aabnoy tayo pareho at binabalot ng sobrang lungkot. Yung mga pagkakataong parang tulog na ang buong mundo pero nagku-kwentuhan pa rin tayong dalawa. Yung walang sawang pagme-memorya natin ng kanta sa wave 89.1. tapos pag di natin alam yung title, sandamakmak na lista ng lyrics at hanap sa net ang gagawin natin. Yung mga kapraningan natin at sandamakmak na tawanan sa mga bagay na wala namang kwenta at di naman talaga nakakatawa… pero nakakatawa sa paningin natin. Yung mga diskusyon natin tungkol sa buhay, relihiyon, puno, bato, kaligayahan, kapayapaan at kung anu-ano pang mga bagay. Yung mga pangarap natin, simple wishes, fantasies. Yung pagiging critic sa halos lahat ng pelikulang pinapanood natin. Yung kape. Namiss kita talaga. Pano na lang pag wala ka na? Ang lungkot naman. Pero… okay lang. Sanay naman na ako na laging iniiwan. Haaay. Mami-miss kita. Bespren. ======= Sana malapit ka lang para di ako masyadong nalulungkot
|
| plue March 29, 2005 07:39 AM PST sige bestfriends na tau! pautang! bwahahah | ||
| Leigh March 28, 2005 10:09 PM PST @Plue : Kaiba talaga epekto ng sinus sayo. tsk tsk. :P uy...bespren material ka naman....di ba ung mga bespren ung unag binabangga ng sasakyan?? jukjukjuk!!! nyahehehe!!! dalhin mo ung hard disk mo dito!!! pengeng mp3! amft. @Ed : well...mejo malungkot nga. :) pero okay lang yun. sanay naman na ako. haaay. hope u had a fantastic holy week. ehehe...takot na ko...pag 2 days before resignation ko na ulit dadalhin yung hard disk. ahahaha!! :) @Pet : DI ko kaya yun apo!!! patutor! :D @Storm : Hamishu anak!!!! Di na ko nakatawag sau! Huhuhuhu. Chowee chowee!!! si ano yan... ahm... basta sya yun. :) si <i> bespren /<i> | ||
| storm March 28, 2005 09:05 PM PST sinong bespren mo doon? *anjo yllana mode* >:D< aymishu nay! | ||
| plue March 28, 2005 08:19 AM PST nga pala. gusto mong i-enslave hard disk ko? :P :P | ||
| Masteroppuppets March 27, 2005 02:09 AM PST Lola.......clone mo yung buong network! para masaya!!!!!! | ||
| plue March 26, 2005 04:27 AM PST bakit ako walang bespren? alam ko na! kasi di daw ako kabespren-bespren kasi mahilig akong mangutang saka magpalibre. bwahahaha | ||
| Ed March 26, 2005 02:31 AM PST have a nice holy week Leigh(they are all saying happy easter so i'm saying something less sensible). :D Hmmmmm... That letter is a bit... sad... but anyways you can bring your hard disk anytime you want. :D Wag lang magpahuli, eh heh heh. | ||
| plue March 24, 2005 06:23 AM PST saka na ako magco-comment ng "matino" may taning ako ngayon e. bwahahah :P :P tenchu-hin mong mukha mo!! hamft! | ||
| Leave a Comment: |